Friday, March 18, 2016

Mega Kwento ng Sarap Promo ng Mega Sardines!

Mega Sarap, Mega Kwentuhan sa Hapag-kainan!


Malapit na ang bakasyon at magiging busy na naman ang buong pamilya mula sa basketball liga ni kuya, sa volunteer work ni ate, hanggang sa choir practice ni bunso. Mas lalong magiging busy ang mga nanay at tatay sa pag-babalanse ng kanilang oras sa mga anak at pag-aasikaso ng mga pagkaing ihahanda at ipapabaon. 

Ang Mega Sardines ay lubos na sumusuporta sa pagtaguyod ng masigla at masayang pamilyang Pinoy ngayong summer! Isinasaalang-alang ng Mega Sardines ang halaga ng bawat hinahain ng mga Ka-Mega na nanay at tatay, kaya naman ipinagpapatuloy nito ang pagbibigay sa inyo ng pinakamasarap at pinaka-fresh na sardinas sa merkado. Dahil ito ay mahigpit na sumusunod sa 12-hour catching-to-canning process at ginawaran ng mga international certifications na patunay ng strict safety standards, makakasigurado ang mga nanay at tatay ng tahanan na napapanatili ang pagkasariwa at mataas na kalidad ng isda sa bawat lata ng Mega Sardines. 

Ang bawat ulam na hinahain sa agahan, tanghalian, merienda, o hapunan kasama ang Mega Sardines ay hindi lamang puno ng Omega-3 oils, protein at calcium kung hindi puno rin ng pagmamahal at kalinga ng mga magulang para sa buong pamilya. 

Dahil mas maraming oras na upang magkasama-sama ang buong pamilya, maraming oras na rin para sa kwentuhan sa hapag-kainan. Kasama ninyo ang Mega Sardines sa bawat masarap na kwentuhan na puno nang pagmamahalan at tawanan, paano man ninyo ito ihain, mapa-gisado, "sardinas y misua" o straight-from-the can kasama ang mainit na kanin. 

Katulad na lamang ng kwento ni Nanay Susan mula sa Antipolo, tatlong taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita ang panganay na anak na isang nurse sa Canada. Noong nakaraang taon, nasorpresa si Nanay Susan sa pag-uwi ng kanyang anak na nurse. Ayon sa kanya, dahil siguradong na-miss ng kanyang anak ang mga pagkaing Pinoy, ang paborito nitong Mega Sardines na ginawang Caldereta ang inihain nya. Ani ni Mommy Susan, “hanggang ngayon ay di ko malilimutan ang sarap ng kuwentuhan naming mag-anak, dahil sa loob ng tatlong taon, ngayon lang ulit kami nakumpleto sa hapunan.”

Kaya naman ngayong Marso, iniimbitahan ang lahat ng mga Ka-Mega na ibahagi ang inyong mga natatangi at orihinal na recipe kasama ang masarap at masayang kuwento sa likod nito sa Mega Kwento ng Sarap Facebook promo ng Mega Sardines. Ang mga mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong mailathala ang kanilang orihinal na recipe sa mga labels ng Mega Sardines kasama ang iba pang mga papremyo. Para sa complete mechanics ng promo, bisitahin lamang ang Mega Sardines Facebook page. 

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na, mga Ka-Mega! Dahil ang Mega Sardines ay naniniwala na ang bawat hain sa pamilya ay may kalakip na magandang kuwento na masarap balikan at pagsaluhan.

Sample Entry: 


Ang aking original recipe ay (pangalan ng recipe). Inihahandog ko ito sa aking asawa para sa kaniyang (pangalan ng category - MEGA MERIENDA) dahil wala dapat ihanda para sa kaniya kundi ang the best dahil siya ay the best. #MegaSoSarap #MegaKwentoNgSarap

About Mega Sardines
Mega Sardines is the trendy homemakers dependable and versatile partner that continuously strives to offer  the freshest, tastiest and cleanest canned sardines. Mega Sardines  ensures 12-hour catching to canning freshness, hygienically processed in state-of-the-art canning plant. It is available in Tomato Sauce and Tomato Sauce with Chili in Easy-Open-Can and Pouch formats.
.
For more info:

About Mega Global Corporation
Mega Global Corporation is Philippines’ top manufacturer and distributor of premium canned goods and ready-to-eat viands  i.e. Mega Sardines, Mega Creations, Mega Tuna, Valley Farm and Oh My Ulam!.

No comments: